Posts

Showing posts from February, 2009

Mga lasing

Lasing: Hoy! Sinong matapang?! Labas! Lalake: Ako! Bakit? Lalaban ka?! Lasing: Pare, ihatid mo naman ako sa bahay, natatakot ako kay misis eh.

Paboritong pagkain

Amo: Inday, titira dito ang biyenan kong 3 buwan. Ito ang listahan ng mga favorite nyang pagkain. Maid: Opo, sir. Amo: Kapag may niluto ka dyan, lagot ka sa akin!

GMA at Erap

GMA: Ano bang hinahanap mo dyan sa 3 in 1 coffee mo at kanina ka pa silip nang silip dyan? Erap: Hinahanap ko yung libreng asukal! May nakasulat kasi na "Sugarfree." GMA: Bobo! Banda yun!

Bitoy & Dagul

Bitoy: Dagul, bakit ang pandak mo? Dagul: Kasi, bata pa lang ako, ulila na ako. Bitoy: Anong kaugnayan nun sa pagiging pandak mo? Dagul: Sira pala ulo mo! Wala ngang nagpalaki sa akin!

Binata at Ale

Binata: Ale, liligawan ko po ang anak nyo. Ale: Huwag muna. Nag-aaral pa sya. Binata: Sige po, kapag uwian na lang nila.

May problema tayo...

BF: May malaki akong problema... GF: 'Wag mong sabihing problema mo lang, problema natin dahil nagmamahalan tayo, ngayon ano ang problema natin? BF: Nabuntis natin si inday at tayo ang ama.

Miss Universe dream

Pare1: Pare parang malalim ang iniisip mo! Pare2: Nanaginip ako kagabi kasama ko 50 contestants ng Ms. Universe! Pare1: Swerte mo! Ano problema mo? Pare2: Pare ako nanalo!

Takot sa bunot

Patient: Doc, takot po ako sa bunot. Dentist: Eto gamot pampatapang ng loob. Patient: (Ininom ang gamot) Dentist: Ano matapang ka na ba? Patient: Oo doc! Puta! Pag may gumalaw ng ngipin ko basag ang bungo!

Hinoldap ang pangit

Isang pangit na babae, hinoholdap... Holdaper: Holdap ito! Akin na gamit mo! Babae: RAPE! RAPE! RAPE! Holdaper: Anong rape? Holdap nga to eh! Babae: Wala lang! Nagsa-suggest lang...

Aso, baboy, at lasing

Isang lasing nasalubong ang isang matabang babae na may kasamang aso... Lasing: Hoy, saan mo nakuha yang baboy? Babae: Aso ito, hindi baboy! Lasing: Huwag ka ngang sumabat! Yung aso ang kausap ko!

Ginahasa

Atty: Gaano ka katagal pinagsamantalahan ng nasasakdal? Girl: Mga 5 oras po. Atty: 5 oras kang ginahasa? Girl: Kasama na po dun…shower, blowjob, kain, konting pahinga.

Nagbebenta ng laman

Pari: Hija, alam mo ba? Kasalanan sa diyos ang nagbebenta ng laman. Gro: Alam ko po father, pero sino naman po ang bibili kung magbebenta ako ng buto?

Sobrang gutom

Tay: Asensado na talaga anak natin sa U.S. Nagpadala ng picture nakasandal sa kotse. Basahin mo nga sulat sa likod. Nay: “Itay nagpapasalamat ako kasi kung di dahil sa kotse na ito, natumba na ako sa sobrang gutom”.

Man of Steel

Man of steel di ba di tinatablan ng bala at kutsilyo. Bumabaluktot ang karayom sa kanya. Ito ang tanong: Tuli ba sya? Pano sya tutuliin?

Tatoo

Son: Dad, nagpatatoo ako ng Dragon. Dad: Pangmacho yun ah! Pero bakit sa tiyan? Dapat sa dibdib! Son: Dad naman, paano makikita ang tatoo ko kung naka bra ako!

Walang panty

Sexy: Father, kasalanan ba ang di pag suot ng panty? Father: Oo naman. Sexy: Paano yan wala akong suot panty ngayon? Father: Pakita mo iha at mabindisyonan ko.

Vibrator

Mother Superior: Hala, layas dito sa kumbento? Madre: Bakit po? Dahil po ba sa paggamit ko ng vibrator? Mother Superior: Hindi sa ganon. Ayoko lang me nakikialam sa gamit ko!

May kapangalan

Isang araw, sa opisina ng NBI: Brando: Excuse me Sir, available na ho ba ang clearance ko? Clerk (after ilang minutes maghanap): Naku mister, paki follow-up na lang after 5 days, may kapangalan ka kasi eh. Brando: Ganun ba? Anong pangalan niya?

Alabok

Anak: Inay, totoo po ba ang sabi ni Father kanina na tayo’y galing sa alabok at sa alabok din magbabalik? Ina: Totoo nga iyon, anak. Anak: Dapat pala Inay, walisin mo na ang ilalim ng kama, baka maging tao yung alabok dun.

Anak na nagsasaka

Farmer: Lalaki na talaga ang aking anak kasi magsasaka na...ano ang balak mo itanim sa sakahan mo anak? Anak: Flowers papa!!! Madaming-madaming flowers! Pretty diba?

Pacheck-up kay Doc

Girl: Doc, pacheck-up po. Doc: Sige hubad ka ng panty at bra tapos higa ka. Girl: Hindi po ako, itong lola ko po. Doc: Sige lola, hinga na lang po ng malalim.

Mga tanong ng anak

Tatay: Anak, ibili mo nga ako ng softdrink. Anak: Coke o Pepsi? Tatay: Coke. Anak: Diet o Regular? Tatay: Regular. Anak: Bote o in can? Tatay: Bote. Anak: 8 oz o litro? Tatay: Puñeta, tubig na nga lang. Anak: Mineral o distilled? Tatay: Mineral. Anak: Malamig o hindi? Tatay: Hahampasin na kita ng walis eh! Anak: Tambo o tingting? Tatay: Hayop ka! Anak: Baka o kambing?

Breast enhancement

Loi: Love, may mga friends ako na nagpa-enhance ng boobs. Okey lang ba sayo kung magpadagdag din ako? Erap: Ewan ko, parang hindi yata bagay sa'yo ang tatlong suso!!!

Regalo sa kasal

Tatay: Dahil kapamilya na rin kita, bibigyan ko kayo ng malaking halaga upang magamit na puhunan sa negosyo. Jorge: Salamat po, Tatay. Tatay: Eh ano naman kaya ang kapalit ninyo? Jorge (nag-isip): Madali lang po yan, bibigyan ho namin kayo agad ng resibo.

Multa sa pananampal

Judge: Dahil nanampal ka, ikaw ay pinagmumulta ng Php500. Offender: Opo. May panukli po ba kayo sa Php1,000? Judge: Wala, kaya sampalin mo na lang siya ulit!

Malakas lumamon

Nanay: Ang lakas mo lumamon! Bwisit kang bata ka! Anak: Inay bakit ang alaga nating baboy pag malakas kumain masayang-masaya kayo. Sino ba talaga ang anak mo?

Zorro

Mister: Kung gagawa ako ng pelikula, gusto ko, ako si Zorro! Misis: Eh ako, sino? Mister: Si Dacos! Misis: Dacos? Sino 'yun! Mister: Da cos of all my Zorros!

Pag-aaral

Ama: Kumusta ang pag-aaral mo? Anak: Nag-lesson at test po kami tungkol sa mga manok. Ama: Ano, madali ba? Anak: Chicken na chicken! Ama: Anong grade mo? Anak: Itlog po.

Job interview

Boss: Ano ang alam mo? Edgar: Alam ko po kung saan kayo nakatira ng misis mo, at kung saan nakatira ang kabit mo. Boss: Tanggap ka na!

Doktor at pasyente

Pasyente: Okey ba ang services sa ospital na ito? Doktor: Oo naman. Sigurado 'yon. Pasyente: Paano kung hindi ako satisfied? Doktor: Ibabalik namin ang sakit mo.

Ang salesman

Nung vacuum cleaner salesman pa ako, pumunta ako sa isang bahay sa aming barangay. Kumatok ako sa pinto... Isang malaking misis ang nagbukas sa akin. Pero bago nakapagsalita ang babae, inunahan ko sya. Mabilis akong papunta sa sala nila para di na makatangi sa presentation ko. Katulad ng utos ng boss ko, binuksan ko ang isang plastic bag ng SM at ibinuhos lahat ng laman na tae ng kalabaw sa carpet. This was a technique taught to me in selling to get a massive and immediate attention from the buyer. Sabi ko sa kanya w/ confidence: "Misis, pag di nalinis ng vacuum cleaner ko NGAYON ang mga tae sa carpet niyo, kakainin ko isa-isa iyan!", ang yabang ko. "Gusto mo ng ketsup para diyan?", tanong ng babae. Sabi ko, "Bakit po?" "Eh, kalilipat lang namin. Wala pa kaming kuryente."

Bra

Anak: Nay, puede na ba akong magbra? Nay, kinse na po ako, puede na ba? Sige naman po, nay. Inay: Hoy! Miguelito! Tigilan mo nga ako!

Moon

Nanay: Anak ano tong zero sa test paper mo? Anak: 'Nay hindi po yan zero, naubusan po kasi ng star si maam kaya binigyan nya akong moon.

Dalawang Tanga

Tanga 1: Ang tanga talaga ng kapitbahay ko. Tanga 2: Bakit p're? Tanga 1: Ang pagka-intindi niya sa LAWSUIT e uniporme ng pulis. Tanga 2: Ang tanga naman niya! Hindi ba suot ng abogado yun.

Ang lasing

May isang lasing na umuwi sa bahay nila... Asawa: Saan ka galing? Lasing: Sorry hon, nagkayayaan lang kami uminom ng mga ka officemate ko.. Asawa: Lasing ka noh? Lasing: ako lasing?? hnd ha Asawa: Tado ka ba!! Paano ka mag kakaroon ng officemate? Eh wala ka naman trabaho...

Surprise gift

Friend: "Wow, pare, ganda ng sapatos mo, ah!" Husband: "Oo. Surprise gift ng kumare mo!" Friend: "Surprise? Ano occassion?" Husband: "Wala. Nakita ko na lang sa ilalim ng kama namin kagabi!"

Di na ako virgin

GF: Hu hu hu hu bakit natin ginawa ito? Hindi na ako virgin at dalawang beses pa natin ginawa! BF: Ano? Isa lang ah?! GF: Bakit? Hindi na ba natin uulitin mamaya?!

Hello?

Couple talking: Wife: Hon, paki fix naman ilaw sa labas. Husband: Hello!? Electrician ba ako? Wife: Eh di pakigawa na lang hagdan natin. Husband: Hello!? Karpintero ba ako? Umalis si husband... Pagbalik niya, gawa na lahat ng sira sa bahay. Tinanong niya wife niya kung sino gumawa ng trabaho. Wife: Kasi kanina a man saw me crying. Sabi ko dami sira dito sa bahay...So he offered to help in exhange for either sex or bake ako ng cake. Husband: So anong klaseng cake ang ginawa mo? Wife: Hello?! Baker ba ako?!

Basta may diamond

Juan: Birthday ng asawa ko. Pedro: Ano regalo mo? Juan: Tinanong ko kung ano gusto niya. Pedro: Ano naman sinabi? Juan: Kahit ano basta may DIAMOND. Pedro: Ano binigay mo? Juan: Baraha.

Ibalik ang anak

Misis: " Sir, mananawagan po sana ako sa mister ko kasi dinala niya ang limang anak namin." Radio Host: " Ok, go ahead!" Misis: " Honey, ibalik mo na ang mga bata, isa lang naman ang sa iyo diyan!"

First time

Pasyente: Dok... Ninenerbyos po ako! First operation ko po ito... Dok: Alam ko ang nararamdaman mo...Kasi ikaw rin ang una kong pasyente.

Mag-asawa

Mrs: Hoy! Tama na yang beer mo masyado ka magastos. Mr: Ikaw make-up mo ang magastos. Mrs: Nagpapaganda ako para syo. Mr: Ako umiinom naman para gumanda ka!

Tanga at Bobo

Tanga: Kamusta yung exam mo? Bobo: Wala ako nasagutan, blanko yung papel ko. Ikaw? Tanga: Naku, blangko din yung papel ko, baka sabihin ni titser, nagkopyahan tayo.

DNA

Reporter: Sir, kung wala po kayong evidence, witness or suspect ano na po ang next step ninyo? Police: DNA na... Reporter: sir, ano po yung DNA? Police: Di Namin Alam

Top One

Boy: Nay! Muntik na ako maging top one sa klase! Nanay: Ba't mo naman nasabi? Boy: Ini-announce kasi kanina yung top one sa klase. Ang tinuro ni ma'am yung katabi ko. Muntik na ako!

Walang syota

Pare1: Pare, bat naman hanggang ngayon wala ka pang syota? Wala ka pa bang napupusuan? Pare2: Meron.. Manhid ka lang!

Sa isang ospital

Sa isang ospital... Lola (may cancer): Doc, anong gagawin niyo sa akin? Doc : Che-chemo, lola. Lola : Titi mo rin! Bastos ka! Walang modo!

Yes or No

Sa isang mumurahing airline... Stewardess: Sir, would you like some dinner? Passenger: Ano ba ang mga choices? Stewardess: 'Yes' or 'No' lang po.

Utot

Pupil: Mam, bumubukol po ba ang utot? Teacher: No! Definitely not! Kasi hangin lang yun! Remember, hindi bumubukol ang utot... Pupil: Naku patay! Tae na to!

Katapusan na!

Lumindol ng malakas noon... Nagkagulo ang lahat at nag panic! Sumigaw ang isang lalaki..."Katapusan na! Katapusan na!" Sumagot ang isa pang lalaki... "Tanga! A-kinse pa alang!"

Siling labuyo

Ate: Musta date mo sis? Epektib ba payo ko, siling labuyo sa nipples mo para di ka galawin ng bf mo? Sis: Hay naku Ate, palpak! Ginanahan pa lalo, eh, uragon pala!

Dalawang mayabang...

Usapan ng dalawang mayabang... Tomas: Ang galing ng aso ko! Tuwing umaga, dala niya ang dyaryo sa akin. Diego: Alam ko. Tomas: Ha? Paano mo nalaman? Diego: Ikinukuwento sa akin ng aso ko.

Bakit nagsi-sinungaling ang mga lalake

Ito ang kuwento kung bakit nagsi-sinungaling ang mga lalake: Karpintero itong si Jojo, mahirap at may pangarap na makasali sa Wowowee, at isang araw ay gumagawa siya ng bahay sa tabi ng ilog. Sa lakas ng pagpukpok ay nalaglag ang martilyo niya sa ilog. Umiyak siya, parang si Loren Legarda noong impeachment proceedings ni Erap, at dahil dito lumitaw ang guardian angel niya. 'Tutulungan kita, Jojo,' sabi nito sabay lundag sa ilog. Lumabas ito na may hawak na gold hammer. 'Ito ba ang martilyo mo?' tanong niya gamit ang boses na pang-call center. 'Hindi po," sagot ni Jojo. Lundag uli ang anghel at lumitaw na may silver hammer at palaka sa ulo. 'Ito ba?' tanong niya. 'Hindi rin po,' sagot ni Jojo. Lundag uli sa ilog si anghel at lumitaw na may lumang martilyo at linta sa pisngi. 'Ito ba?' tanong niya. 'Opo!' sagot ni Jojo. Natuwa ang anghel. Sabi niya, 'Dahil honest ka, Jojo, bukod sa martilyo mo, sa 'yo na rin ang gold and si...

Pangarap

Toto: Pangarap ko, kumita ng P250,000 monthly gaya ni daddy! Juvy: Wow! Ganyan kalaki ang kinikita ng daddy mo? Toto: Hindi! Yan din ang pangarap niya!

Champoy

Girl: Mommy, bakit yung bird ng neighbor nating kalaro ko parang champoy? Mommy: Hahaha! Bakit? maliit ba? Girl: Hindi Mommy.. Maalat kasi eh!

Mayaman - Mahirap

Juan: Pare, noong mayaman pa kami, nagkakamay kaming kumain. Ngayong mahirap na kami, nakakutsara na. Pedro: Baligtad yata? Juan: Mahirap kamayin ang lugaw, pare!

Nirape...

Maid: Ma'm, ni-rape ako ng magnanakaw kagabi... Madam: Bakit di ka sumigaw? Maid: Eh, akala ko po si Sir, pero nung makadalawa, nagduda na ako!

Horoscope

Sweethearts watchin' the sky... Guy: Ano ang horoscope mo? Girl: Anong huruskup? Guy: Yung bang kapalaran mo, katulad ko, CANCER. Girl: Ah, sa akin ALMURANAS!

Overseas call

IDD call from US: Husband: Hon, musta ang tindahan? Wife: Department store na! Husband: Ang tuba-an? Wife: KTV bar na! Husband: Ang mga tri-sikad? Wife: Taxi na! Husband: Ang dalawa kong anak? Wife: Lima na!

Ano ang pagkain?

Mister: Ano ang pagkain natin? Misis: Nasa mesa, bahala ka na pumili! Mister: Isang pirasong tuyo? ano pagpipilian ko? Misis: Pumili ka kung kakain ka o hindi!

Hula

Boy: Miss, huhulaan kita, gusto mo? Miss: Oo ba.... Boy: Single ka no? Miss: Ang galing ah! Pano mo nalaman? Boy: Simple lang... Ang pangit mo eh!

1-10

Nanay: Bobo ka talaga! 1 to 10 lang di mo kayang bilangin? Anak: Mas bobo si tatay nay, kasi narinig ko minsan sabi, "tama na inday, hanggang tatlo lang kaya ko."

Jai Alai

Who invented Jai Alai? Answer: The Japanese and the Chinese. The Japanese threw the ball and said "jai" and the Chinese was hit in the head and shouted, "alai".

Matandang babae

Isang gabi, isang traysikel driver ang nagsakay ng isang matandang babae na puro sugat. Sa sobrang takot ng driver, napakabilis nyang magpatakbo. Pagliko nya sa kanto, naglaho ang matanda. Sa sumunod na gabi, naisakay na naman ng driver ang matandang puro sugat. Nagwika ito "Iho, paki bagalan mo ng konti at baka mahulog na naman ako!"

Sa Garden of Eden

Adan: Lord, hindi ko na kaya ang tukso sa akin ni Eba. Lord: Maging matatag ka anak. Bakit, paano ka ba tinutukso? Adan: Supot, supot!!!

Facelift

Pasyente: Magkano facelift? Doctor: Complete treatment ay P145,000. Pasyente: Mahal! Ano bang pinakamurang treatment para magmukha akong bata? Doctor: Eto tsupon, P20 lang!

Erap in car

Driver to Erap: Sir, pweding pakitignan kung umiilaw yung parking light (as driver switches on the parking light). Erap: Ok. It's ok! Gumagana. Driver: Sir, yung headlights umiilaw ba? (as driver switches on the headlights) Erap: Ok rin. Its' on! Gumagana. Driver: Sir, yung signal light pakitignan? (as driver switches on the signal light) Erap: Gumagana. Ay ayaw. Ay gumagana. Ay ayaw. Ay gumagana. Ay ayaw...

Least common denominator

Boy: Dad, tulong naman sa assignment ko! Find the least common denominator daw. Dad: Huh? Aba'y elementary pa lang ako eh hinahanap na nila yan, ah! Di pa ba nila nakikita?

The "new navy"

The Master Chief noticed a new Seaman one day and barked at him to come into his office. "What is your name?" was the first thing the Master Chief asked the new guy. "John," the new guy replied. The Master Chief scowled, "Look, I don't know what kind of bleeding-heart, liberal pansy stuff they're teaching Sailors in Bootcamp today, but I don't call anyone by their first name. It breeds familiarity and that leads to a breakdown in authority. I refer to my Sailors by their last name only - Smith, Jones, Baker - that's all. I am to be referred to only as 'Master Chief.' Do I make myself clear?" "Yes, Master Chief!" "Good! Now that we got that straight, what is your last name?" The new guy sighed and said, "Darling. My name is John Darling, Master Chief!" "Okay, John, the next thing I want to tell you is..."

English lesson from Erap

Jinggoy: Dad, ano po ba sa English ang pantog? Erap: Eh di bladder! Jinggoy: Ah, ok. Eh ano naman po sa English ang pantog ng bayaw mo? Erap: Eh di bladder in law! Sus para yun lang di mo pa alam...

Nitrates

A Chemistry teacher asked a sexy student, "What are nitrates?" The student replied shyly, "Ma'am, sa motel po. Nitrates are higher than day rates!"

Wish ng pangit

May isang pangit na lalaki na humiling sa fairy. Fairy: "Ano ang inyong kahilingan, ginoo?" Pangit: "May mapa ako dito ng Amerika, dalhin mo ako doon para matagpuan ko ang babae ng buhay ko." Fairy: "Hindi po pwede. Dito lang sa Pilipinas gumagana ang kapangyarihan ko." Pangit: "O sige! Maging mortal na babae ka nalang at pakasalan mo ako." Fairy: "Patingin nga ulit ng lintek na mapang yan at baka magawan ng paraan!"

Urine test

Anak: Tay! Tatay: O, bakit? Anak: May urine test kami bukas. Tatay: Ah ganun ba? Anak: Ano gagawin ko tay? Tatay: Aba! Mag-review ka na anak.

Traffic violation

An MMDA traffic enforcer approaches a traffic violator, pen and ticket in hand. Traffic enforcer: Name? Foreigner driver: Wilhelm von Corgrinski Papakovitz. Traffic enforcer: Ahhh... Next time be careful ah...

Road accident

Pulis: Sino nakakita sa aksidente? Street vendor: Ako sir, ako! Pulis: Buti naman may witness. Nakita mo ba plate number? Street vendor: Oho! Nagsisimula ho sa 4! Pulis: Anong kasunod? Street vendor: Registration!

Killer's confession

Killer: Father, mangungumpisal po ako. Father: Ano ba kasalanan mo? Killer: Pumatay po ako ng 20 na tao. Father: Bakit? Killer: Kasi po naniniwala sila sa Diyos. Kayo po ba naniniwala? Father: Dati... O kaya minsan pag kasama ang tropa. Hehehe!

Sinong matapang?

Boy: Sino matapang?!?! Lalaking madaming tattoo: Ako matapang! Bakit?! Boy: Survey lang po... O, yung mga duwag naman...

Kumakanta sa Banyo

PARE-1: Pare, napansin ko na ang buong pamilya nyo, eh walang tigil ang pagkanta habang nasa loob ng banyo. Siguro singer kayo lahat ano? PARE-2: Hindi naman pare, kaya lang eh talagang kailangang kumanta kami ng malakas pag nasa loob ng banyo. PARE-1: Ha! eh bakit pare ganon? PARE-2: Kasi sira ang lock ng banyo namin eh!!

Kanta

Narinig ko ang pagkanta mo kagabi... Maganda ang boses mo.... magtiwala ka sa sarili mo.... May talent ka at kaya mo yan!!! GIVE IT ALL!! GO ON !! Huwag mong itago ang bigay ni LORD!! Sige! Isigaw Mo!!!! Tahooooo!!!!

Buhok

JORGE: Pare, alam mo ba na ang pinaka-mahabang buhok sa katawan ng tao ay yung buhok natin sa puwet? BANJO: Bakit mo naman nasabi yan, pare? JORGE: Kasi, yung buhok natin sa puwet ay abot sa pilik-mata natin! di mo ba alam yun? BANJO: Kalokohan! paano mo mapapatunayan yun? JORGE: Madali lang! Subukan mong bumunot ng buhok sa puwet mo, Tiyak na mapapapikit ka!

Rehab

DOKTOR: Kiko, Salamat sa ginawa mong pagsagip duon sa isang pasyenteng nahulog sa balon kaninang umaga. At dahil sa kabayanihan mong iyon, naniniwala na ako na ikaw ay magaling na, kaya puwede na kitang pauwiin at palabasin dito sa Mental Hospital. KIKO: Totoo doktor? Naku, maraming salamat po! DOKTOR: Kaya lang, namatay din kanina lang 'yung pasyente! Kasi nagbigti siya eh! KIKO: Hindi po siya nagbigti dok! Isinampay ko po siya.....para matuyo!

Wow Millionaire

Reporter: To whom do you owe your success as a millionaire? Rich man: I owe everything to my wife. Reporter: Wow! What where you before? Rich man : A Billionaire.

Krus

Naglalakad ang mag-ama, nakakita ng eroplano... ANAK: Tay! Tay! Krus! Ang laki ng krus! TATAY: (Binatukan ang anak) Nakita mo na ang krus ah! LUMUHOD TAYO!

Pacman sa fast food

Nasa fast food si Pacman at trip mag-value meal... CREW: Good afternoon, sir! May I take your order? Please choose. PACMAN: Letter... Letter... CREW: What letter, sir?! PACMAN: Sabi ko letter. Mamaya na lang.

Babaeng nakahubad

Dalawang pari nag-uusap... PARI 1: Balita ko pinasok ka daw ng babaeng nakahubad sa kwarto mo? PARI 2: Oo. Kaya tumakbo ako palabas. Ikaw, ano gagawin mo sa ganung sitwasyon? PARI 1: Tulad mo rin... Magsisinungaling.

Special occasion

Si Juan at Pedro nag-uusap... JUAN: Pre, may nakalimutan ka ata ngayon ah... PEDRO: Bakit pre? Ano ba okasyon? JUAN: Sige ganyanan na! PEDRO: Awww... Tampo na! HAPPY MONTHSARY!!!

Hearing problem

Lumapit ang isang problemadong lalake sa paring may healing powers. PARI: Anong gumugulo sayo anak? LALAKE: Ang hearing ko pader! Pinaluhod ng pari ang tao at taimtim na nagdasal habang nakapatong ang kamay sa mga tenga. Maya-maya... PARI: O, kumusta na hearing mo anak? LALAKE: Bukas pa po yun pader, sa Court of Appeals. Yun nga po ang problema ko eh!

Carpenter si Tatay

ANAK: Tay, nagtatanong teacher namin kanina kung ano daw po ang trabaho niyo. TATAY: Sabihin mo "carpenter" anak. ANAK: Ano nga po yung "carpenter" tay? TATAY: Tanga! Eh di tagapinta ng kotse!

Secret ni sir

MAID: Sir! Pag nalaman ni ma'am, patay tayo! SIR: Bakit, magsusumbong ka ba? MAID: Hindi po! SIR: Hindi naman pala eh. Dali na! Make-upan mo na ako, yung bitchy ang dating ha? Go na!

Answered prayers

Nahuli ng titser na may kodigo sa exam ang estudyante niya. Teacher: Bakit may nakatagong papel sa kamay mo? Pupil: Mam, prayers ko lang po yan. Teacher: Eh bakit may mga sagot dito? Pupil: Naku, sinagot na ang prayers ko!

Napakababoy

Isang araw nag-away si Kiko at Berto sa may CR. Kiko: Berto, bakit naghihilamos ka sa inidoro?? Napakababoy mo naman! Berto: Bakit ako napakababoy?? eh malinaw naman at malinis ang tubig na yan! Kiko: Yun na nga eh! Hindi mo ba alam na diyan ako umiinom tapos paghihilamusan mo lang?? Wag naman ganon!!

Medyas

Isang araw nag-usap tungkol sa bagong pares ng medyas si Juan at Pedro. Juan: Uy! Magkaiba medyas mo! Isang green isang red! Pedro: Ewan ko nga kung 'san nabili to ni mama eh. May isa pa ngang pares nito sa bahay, green at red din!!

Baclaran

Isang araw may isang baklang sumakay sa jeep. May sumakay din na gwapong lalaki. Nagpacute ang bakla at iniabot niya ang bayad. Bading: "Ma, bayad... Baclaran", sabay kindat sa gwapong lalaki. Nagpacute din ang gwapong lalaki. Kumindat sa bading at nagbayad siya. Gwapong Lalaki: "Ma, bayad.. Bacla-ren"

Bibong estudyante

Isang araw sa isang classroom recitation... Titser: Who can give me an example of a tag question? Student: My teacher is beautiful, isn't she? Titser: Very good! Itagalog mo nga! Student: Si mam maganda, hindi naman di ba?

Usapang gas at pamasahe

Isang araw madibdibang kinausap ni pamasahe si gas. Pamasahe: alam mo gas, dahil sayo.... natuto akong, magmahal.

Usapang Ex

Isang gabi nakita ni mister na tumitingin sa lumang photos ang misis niya... Mister: Sino yang tinitignan mo, love? Misis: "EX" ko yan love! Balita ko lasenggo na siya after our break up 7 years ago. Mister: Grabe, ang haba ng Celebration niya ah!

Hubaran!

Misis: Hubarin mo dress ko, now na! Mister: Teka, teka easy ka lang.... Misis: Hubarin mo na pati underwear ko bilis! Mister: Oo huhubarin ko na... Misis: Lahat! Sinabi nang bilis! Mister: Oo ayan hubad na! Misis: Sa susunod wag mong suotin mga damit ko bakla ka!

Centerfold

Isang umaga, dali-daling pinuntahan ni Nena ang tatay niya. Nena: Tay! Tay! Nag-bold po ako sa magazine! Page 10 po centerfold picture ko! Tatay: Ikinakahiya kita! Sa palagay mo ba may mas nakakahiya pa sa ginawa mo?? Nena: Meron 'tay. Page 20, si nanay.

Minumulto

Isang gabi, takot na lumapit ang anak sa daddy niya. Anak: Daddy, totoo po bang may multo dito sa bahay? Daddy: Anak, walang multo okay? Bakit mo naman natanong 'yan? Anak: Kasi sabi saken ni yaya kanina may multo daw eh! Daddy: (Kumuha ng maleta) Anak, mag- empaki ka dali! Wala naman tayong yaya!!

Hindi magpapatalo

Isang araw sa isang fastfood chain... Crew: Goodmorning sir ano pong order niyo? Lalaki: 1 large burger tsaka isang large softdrink. Crew: Dito niyo po ba kakainin sir? Lalaki: Uhm, pwedeng sa table na lang? Nakakahiya kase kung dito may nakapila pa sa likuran? Crew: Sa table ho? Ayaw niyo po bang sa plato para di baboy tingnan?

Wish Mo Lang

Isang araw nakakita ng mahiwagang bote ang bading.. Genie: I'll grant you a wish! Bading: Talaga?? Gusto kong gumanda!! Genie: Pwes, buksan mo na ang bote. Bading: At gaganda na ako? Genie: Hindi... Babalik na lang ako sa loob. Parang sira yang wish mo eh!

Attitude problem

Isang araw dumayo ang isang taga Maynila sa bukid... Bisita: Tatang, mawalang galang na ho, naiinom po ba yung tubig dito? Tatang: Ah, nasa sayo yan anak.. kung gusto mong nguyain, pwede rin. Si tatang, may attitude problem.

All year round mga gintong payo ni Inay

Balikan natin ang ilang mga gintong payo mula sa ating inay na siguradong maririnig pa natin over the years to come. Appreciation - "Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa labas! Mga leche kayo, kakalinis ko lang ng bahay!" Religion- "Kapag yang mantsa hindi natanggal sa carpet, magdasal ka na!" Irony - "sige, ngumalngal ka pa at bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!" at higit sa lahat, Determination - "Hanapin mo yung pinapahanap ko sayo, pag hindi mo nahanap nako, makikita mo!!"

New Shoes

Juan: Pare, may sapatos ako hindi ko alam pangalan. Pedro: Wow namen pare tatak lang di mo pa alam. Ako tanungin mo expert ako diyan. Juan: Ang alam ko lang may check. Pedro: Pambihira. Yan lang di mo alam. Check Taylor pare, Check Taylor!

Nakakabaliw

Isang araw nag-interview ang reporter sa isang mental asylum... Reporter: Doc, pano niyo nalalaman kung kailangan i-admit ang isang tao? Doc: May test na gagawin. Una,pupunuin ng tubig ang bath tub at ibibigay sa posibleng pasyente ang isang kutsara, isang baso at isang tabo. Tapos ipapatanggal ang tubig sa kanya sa bathtub. Reporter:Aha! siyempre pag normal gagamitin yung tabo! Doc: Hinde, huhugutin niya yung drain plug. Anong gusto mo room lang o ward?

Ang huling habilin...

Isang araw ipinatawag ng isang mamamatay na Intsik ang kanyang pamilya... Intsik: Aki asawa ajan ba? Asawa: oo Intsik: Aki panganay ajan ba? Panganay: Opo.. Intsik: Aki bunso ajan ba? Bunso: Opo. Intsik: Anak tokwa! dito kayo lahat wala tao hardware!!