Help us grow and send in your own jokes/contributions to: angjoke_mo@yahoo.com

Michelangelo's Pieta

In Europe where Michelangelo's famous work of art Pieta is displayed:

Italian: "Magnifico!"

French: "Tres magnifique!"

English: "Brilliant!"

American: "Wow! Amazing!"

Filipino: "Picture! Picture! Dali! Pang-Facebook!"

Di ba, masakit?

Di ba, masakit pag inagawan ka? Di ba, masakit, pag niloko ka?

Di ba, masakit pag pinaasa ka?

Pero mas masakit pag may kumakagat na langgam sa puwet mo… at hindi mo makamot dahil may mga tao

Duling, bingi, bulag

Duling, bingi at bulag… nanood ng movie…

Duling: Bakit dalawa ang screen?

Bingi: Bad trip! Walang sounds!

Bulag: Puro kayo reklamo! Kita ninyong hindi pa nag-uumpisa

Ahas

Batang ahas: Inay, anong klaseng ahas ba tayo?

Inay: Aba, matindi ang ating kamandag anak, nakamamatay. Bakit mo naman naitanong?

Batang ahas: (Umiiyak)…kasi ho nakagat ko ang dila ko! Waahh!!

Kung Pinoy si Noah...

Ganito ang mangyayari sa arko. Read along...

Taong 2005 at isang ordinaryong middle class pinoy si Noah.
Nagpakita sa kanya ang Diyos at sinabing "Pagkatapos ng isang taon ay bubuhos ang ulan at babahain ang buong kapuluan ng Pilipinas. Gusto kong gumawa ka ng isang malaking arko at isakay mo rito ang pares-pares na mga hayop at mga mag-asawang pilipino sa iba't- ibang kapuluan." Ibinigay kay Noah ang specs ng Arko at taos puso nitong tinanggap ang responsibilidad na sagipin ang sambayanang Pilipino sa napipintong pagbaha.

Lumipas ang isang taon, muling nagpakita ang Diyos kay Noah. Walang arkong nagawa si Noah at galit na galit siyang tinanong ng Diyos, "Nasaan ang arko na ipinagawa ko sa iyo?"

Tumugon si Noah, "Patawarin po ninyo ako kung di po natupad ang utos ninyo! Nagkaroon po ng malaking problema sa plano po ninyo."

At inilahad ni Noah ang mga sagabal na nakaharap niya sa pag-gawa ng arko.

Humingi siya ng Mayor's permit pero papayag lang daw si Mayor kung ang gagawa ng arko ay ang construction firm ng kanyang pamangkin.

Tumungo siya sa Congressman pero papayag lang daw si Congressman kung may matatanggap siyang 30% commission.

Nagtayo ng unyon ang mga kinuha niyang manggagawa at nag-strike.

Natunugan ng mga left-leaning groups ang kanyang balak at ang mga ito ay nag-rally dahil daw sa hindi makatarungang pagpili ng mga taong sasakay sa arko (mga taong naniniwala lang sa Diyos ang pwedeng sumakay).

Nakisali sa rally ang mga bakla at tomboy dahil bias daw na normal na mag-asawa lang ang pwedeng sumakay.

Ang civil society group ay nakisali na rin sa gulo dahil napag-alaman daw nila na ang pondong gagamitin sa paggawa ng arko ay galing sa donasyon ng mga gambling lords at katas ng weteng.


Sa kaguluhang ito ay napilitang magpatawag ng hearing ang senado "in aid of legislation". Sinubukan ni Noah na gamitin ang EO 464 para makaiwas sa hearing pero dahil hindi sya executive official, napilitan siyang tumistigo.

Nang malaman ng senado na utos ng Diyos ang pagpapagawa ng arko, dineklara nila itong unconstitutional dahil hindi raw nito iginalang ang separation ng church at state.

Nakialam na rin ang NBI at PNP at sinabi nilang meron silang impormasyon na ang arko raw na ito ay gagamitin ni Erap sa kanyang pagtakas.

Sinabi naman ng ISAFP at DOJ na ito raw ay gagamitin ng grupong Magdalo sa binabalak nilang coup laban kay Arroyo.

Nilapitan ni Noah si Mike Defensor para makipag-usap kay GMA. Payag daw si GMA na ituloy ang arko kung ipapaskil daw sa arko ang malaking mukha ni Arroyo na may slogan "Towards a Strong Republic".

"Hindi po ako pumayag kaya hanggang ngayon po ay may TRO ang pag-gawa ng arko. Sa palagay ko po kailangan ko pa ng 10 taon para matapos ang inyong proyekto." Ang huling wika ni Noah.

Napa-iling ang Diyos at sinabing, "Di ko na kailangang wasakin pa ang
bansang ito. Hayaan ko na lang kayong sumira nito.

Pusang ligaw

Mrs: Hon, iligaw mo nga itong pusa.
Mr: Ok hon!
Makalipas ng 5 oras…
Mrs: O, bakit ang tagal mo?
Mr: Lecheng pusa yan! Kung di ko sinundan, di ako makakauwi!

Religion class

Sa isang religion class:

Guro: Bakit tatlong beses tinanong ni Hesus si Pedro, kung mahal
sya ni Pedro?
Ben: Ma'm, parang sa eskwelahan yan, kahit alam ng guro, tanong
pa rin ng tanong.

Dugo

Ina: Bakit ayaw mong magpaligo kay yaya?
Anak: Yoko! Kasi nung pinaliguan ni yaya si daddy nakita ko kinagat nya ang bird in daddy. Alam mo mommy puti pala ang dugo in daddy.

Varicose veins

Wife: Doc, bakit po lumabas yung mga ugat sa bird ng mister ko?
Doc: Varicose veins yun mrs!
Wife: Anong cause non?
Doc: Pareho din sa legs mo. Pag laging nakaTAYO!

Assignment

Anak: Nay, ako lang naka-answer sa tanong ng teacher namin kanina!
Nanay: Very good, anak! Ano bang tanong ng teacher nyo?
Anak: “Sinong walang assignment”