Help us grow and send in your own jokes/contributions to: angjoke_mo@yahoo.com

Ang salesman

Nung vacuum cleaner salesman pa ako, pumunta ako sa isang bahay sa aming barangay. Kumatok ako sa pinto... Isang malaking misis ang nagbukas sa akin. Pero bago nakapagsalita ang babae, inunahan ko sya. Mabilis akong papunta sa sala nila para di na makatangi sa presentation ko.

Katulad ng utos ng boss ko, binuksan ko ang isang plastic bag ng SM at ibinuhos lahat ng laman na tae ng kalabaw sa carpet. This was a technique taught to me in selling to get a massive and immediate attention from the buyer.

Sabi ko sa kanya w/ confidence: "Misis, pag di nalinis ng vacuum cleaner ko NGAYON ang mga tae sa carpet niyo, kakainin ko isa-isa iyan!", ang yabang ko.

"Gusto mo ng ketsup para diyan?", tanong ng babae. Sabi ko, "Bakit po?"

"Eh, kalilipat lang namin. Wala pa kaming kuryente."

No comments:

Post a Comment